Lunes, Nobyembre 28, 2011

Buhay High School

Naalala ko pa bagong pasok palang;
May kaba sa dibdib at natatakot pa.
Sasama ang ina para pangsuporta;
Panglakas ng loob pagkasama siya.
Pakaraming iba sa sekondariya;
Walamang kapares sa elementarya.
Pangalawang hakbang, buhay pangsarili;
Pagtatagumpayan at kakayanin.
Dumaang panahon ay pinagingatan
Nagiging malapit magkakaibigan
Pati pagaaral ay nagtutulungan
Sa asignatura ay nagkokopyahan
Dito natutunan ang aral ng buhay;
Di matematika o sensiya lamang
Pakikisama at pagpapasensya.
Pagbibigayan at marami pang iba.
Ngayong patapos na ang sekondariya;
Pinagdarasal kong masmagkalapit pa.
Sa kaunting oras na magkakasama;
Ay siguraduhing meron nang diploma.
Sa ‘ting kasiyahan ay nagsayawan.
Sa ‘ting kasawian ay nagmukmokan.
Di sinasadya ngunit nagkasiyahan;
Iyan ang ‘high school life’ na di malilimutan.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento